Martes, Marso 7, 2017

Prinsipyo sa buhay

          Ano nga ba ang prinsipyo?
Ang prinsipyo ay isang paniniwalang unti-unting humuhubog sa ating pagkatao ng siyang dahilan kung ano tayo ngayon. Kung ano ang kinalalagyan natin ngayon.
Maraming nagtatanung sa akin kung bakit  wala man lang akong kaporma porma  o kaarte-arte sa katawan. Walang  bagong damit katulad ng mamahaling sapatos, pantalon, t-shirt at kung anu-ano pang accesories. Yon ay dahil sa prinsipyo ko sa buhay. Sabihin na nating mas masaya ako kapag ang mga pinaghirapan ko ay pinakikinabangan ng iba. Syempre una nandyan ang pamilya  ko. Mala Rizal ba ang dating? Wala akong magagawa ganun talaga ang pagkatao ko. Malambot ang puso. Madaling maawa. Para sa akin ang materyal na bagay ay nawawala, pinagsasawaan, kumukupas, pinapalitan, itinatapon. Subalit ang pagtulong sa kapwa maging sa pinakasempleng paraan kahit lumipas ang maraming panahon, kahit wala ka na dito sa mundo patuloy ka parin nilang maaalala. Para sa akin hindi nikikita ang pagiging ganap ng ating pagkatao sa materyal na bagay o kung anu paman , ito ay mahuhubog sa kung paano tayo nagiging matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay upang makamit ang tagumpay.





Katulad nito, may kanya kanya kaming layunin matapos ang demo




Magkakaibigan man kaming apat may sari-sarili din kaming prinsipyo sa buhay